Ang pang aabuso sa mga tao at pagsasamantala ay hindi matanggap

Kahit sino ay maaaring makaranas ng ganitong sitwasyon na hindi kayang lutasin o mapamahalaang mag-isa. Sa sandaling maramdaman mong may nangyari sa iyo na ganito, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin. Sama-sama kaming maghahanap ng solusyon sa iyong sitwasyon.

Libre ang aming tulong.

Iginagalang namin ang pagiging kumpidensyal.

Hanapin ang impormasyon sa iyong wika

Čeština

Hledám pomoc

Українська

Отримати допомогу

Български

Търся помощ

Română

Caut ajutor

Paano mo malalaman na may mali sa iyong trabaho at / o employer?

Subukang sagutin ang mga tanong na ito.
  • They force you to do a job you don’t want to do.

  • You work in undignified conditions.

  • They took your documents.

  • You didn’t get paid.

  • They control where you go and who you meet.

  • They have hurt you.

  • They have deceived you.

  • They have threatened you.

  • Your employer has unjustifiably dismissed you.

  • Due to one or more of the above, you live in the Czech Republic illegally.

Kung sumagot ka ng oo sa mga katanungang ito ng higit sa isa, maaaring ikaw ay biktima ng pagsasamantala, o nasa peligro ka sa pang aabuso at pagsasamantala. Kung ikaw ay biktima ng pagsasamantala at / o pang aabuso, maaari ka naming bigyan ng tulong sa krisis na ito, tirahan sa aming mga kanlungan, at propesyonal na tulong panlipunan at ligal. Tumawag lamang sa aming linya ng La Strada SOS.

Ang serbisyo na aming inaalok

Tumawag sa amin kahit na hindi ka sigurado kung talagang may kinalaman ito sa iyo.
Nag-aalok at nagbibigay kami ng mga sumusunod na serbisyo sa mga taong inabuso at pinagsamantalahan:

Agad na tulong

  • Papayuhan ka namin kung anong mga hakbang ang dapat mong gawin.

  • Hindi namin sasabihin sa sinuman ang tungkol sa iyo at sa iyong kaso nang walang pahintulot mula sa iyo.

Tulong na materyal

  • Bibigyan ka namin ng pinansiyal at materyal na tulong.

  • Bibigyan ka namin ng tirahan.

Karagdagang tulong

  • Kung kailangan mo ito, tutulungan ka namin na makauwi ng ligtas sa iyong sariling bansa.

Aming mga prinsipyo

Pagiging anonymous at diskreto

Hindi namin sasabihin sa sinuman ang tungkol sa iyo at sa iyong kaso nang walang pahintulot mula sa iyo.

Libre

Libre ang aming mga serbisyo para sa mga mamamayan ng Czech Republic at sa mga dayuhan.

Pagiging inklusibo

Nagbibigay kami ng serbisyo sa lahat, anuman ang kanilang katayuan sa paninirahan, kasarian, lahi, oryentasyong sekswal, relihiyon, o nasyonalidad.

Paano nga ba ito gumagana?

Ang social worker ay maglalaan ng isang plano sa iyo, kung saan isinasaad namin kung ano ang gusto mo, kung paano at kung gaano mo ito kaagad makakamit.

Halimbawa: kailangan mo ng tirahan; isang bagong trabaho; pera upang magsimula upang magbayad para sa pagkain at iba pang mga personal na pangangailangan; payo kung paano mabawi o makuha ang suweldo na hindi binayaran ng dating employer at iba pa.

Malalaman mo kung paano ka namin matutulungan sa mga naturang bagay, at kung ano ang mga susunod na hakbang na dapat gawin.

Libre at kompidensyal ang aming tulong at serbisyo

Maaari kang tumawag sa La Strada kahit na hindi ka sigurado kung ang aming serbisyo ay naaakma sa iyo.

Linya ng SOS

800 077 777 - walang bayad

Para sa mga tawag mula sa ibang bansa, mangyaring tawagan ang
+420 222 71 71 71

Oras ng operasyon

Lunes-Huwebes 10.00 - 17.00
Biyernes 10.00 - 14.00

Kung kayo ay tatawag ng lampas na sa oras sa linya ng La Strada SOS, mayroong “answering machine” o makinang taga sagot na kung saan ay maaaring mag iwan ng mensahe at babalikan namin kayo.

Mga wikang sinasalita namin

Maaari kayong makipag-usap sa amin sa mga wikang ito:

  • Ingles

  • Tseko

  • Ruso

  • Ukranyano

  • Romaniano (Lunes-Miyerkules 10.00 - 17.00 lamang)

  • Tagalog (Miyerkules 12.00 - 16.00 lamang)

Anonymous na chat

Ang komunikasyon ay anonymous at awtomatikong nabubura sa pagtatapos ng chat.

Oras ng operasyon

Lunes-Huwebes 10.00 - 17.00
Biyernes 10.00 - 14.00

Sumulat sa amin

FAQ

Pangunahing mga kontak, sino ang nararapat na tawagan sa ganitong uri ng krisis
  • Pulisya ng Czech Republic – 158 (www)

  • Mga serbisyong medikal na pang-emergency – 155 (www)

  • Listahan ng mga embahada at konsulada sa Czech Republic (www)

  • Direktoryo ng Embahada (www)

  • Ministeryong Panloob ng Czech Republic – impormasyon para sa mga dayuhan (www)

Nagtrabaho ako sa isang kliyente sa Czech Republic at hindi ako nabayaran ng tatlong buwan. Maaari mo ba akong tulungan na maibalik ang halagang hindi nabayaran

Ang isang paraan upang maibalik ang halagang hindi nabayaran ay ang pagpunta sa korte, ito ay maaaring napakahaba at mahirap na proseso.  Ang isa pang paraan ay ang makipag-ugnayan sa iyong employer o tagapamagitan na may kahilingan para sa usapang pagbabayad ng pagkakautang.  Mahalagang malaman na ang mga pagpipiliang ito ay laging magagamit kahit na hindi ka pa pumirma ng kontrata sa trabaho.  Isulat ang lahat ng impormasyon tungkol sa iyong trabaho, at makakatulong kami sa iyo na maghanda ng ilang mga dokumento para sa pagkuha ng hindi nabayaran na sahod.

Tapos na ang aking probasyon, at tinanggal ako sa trabaho ng aking amo dahil sa pagkakasakit. May karapatan ba siyang gawin ito?

Ang pagtatrabaho ay maaaring tapusin ng naaayon sa tiyak na tinutukoy na kundisyon.  Sa pangkalahatan, hindi ka maaaring tanggalin ng iyong employer/amo sa panahon ng iyong pagkakasakit, at karapat-dapat kang bayaran ng sahod at sa mga araw ng pagliban sa trabaho dahil sa sakit.  Kung tinanggal ka ng iyong employer ng wala sa katuwiran sa loob ng dalawang buwan, maaari kang magsampa ng demanda laban sa kanya para sa hindi wastong pagtanggal sa trabaho.

Sinabi sa akin ng employer na kailangan ko ng karagdagang bayad para sa Health and Social Insurance mula sa aking buwanang suweldo upang maging karapat-dapat sa pangangalagang medikal. Totoo ba ito?

Ang mga bayarin na ito ay binabayaran ng parehong empleyado at employer.  Sa kabuuan, 34% ng kabuuang sahod ang naaayon para sa mga kontribusyon, ngunit 4.5% lamang ng kabuuang sahod ang ibinabawas para sa health insurance at 6.5% para sa social insurance.  Maaari mong malaman ang tamang halaga ng iyong mga kontribusyon sa suweldo sa isa sa mga on-line na calculator ng payroll (https://portal.pohoda.cz/).

Ang isang employer ay walang karapatang mag-bawas mula sa suweldo ng isang empleyado na higit sa limitasyo na itinakda ng estado.

Sinabihan ako ng aking amo na maglaan ng pahinga/ day off. May karapatan ba akong mabayaran ang suweldo?

Ito ay depende sa kung ito ay bayad o hindi bayad na bakasyon.  Karapat-dapat ka sa isang suweldo sa panahon ng bayad na bakasyon.  Sa panahon ng hindi bayad na bakasyon, ang suweldo ay hindi binabayaran, at dapat gampanan ng empleyado ang kanyang mga bayarin sa health insurance (maliban kung may napagkasunduan sa pagitan  ng employer).

Ang hindi bayad na bakasyon ay hindi maaaring ipag-utos, maaari lamang itong mangyari sa kahilingan ng empleyado.

Ano ang dapat kong pansinin kapag naghahanap ng trabaho?

Mga tip at payo para maiwasan ang mga patibong sa iyong paghahanap ng trabaho.

Pinoprotektahan namin ang mga biktima at tinutulungan sila

Kami ay isang non-profit o hindi kumikitang organisasyon na tinatawag na La Strada Czech Republic, o.p.s. (serbisyong pampublikong organisasyon) (para sa mas madaling komunikasyon ay pinaikling La Strada), at kami ay isang dalubhasang samahan na nakatuon sa pagsuporta at pagtulong sa mga taong pinagsamantalahan at inabuso.

Agad na tulong

Tulong na materyal

Magkakasama, makakahanap tayo ng solusyon sa iyong sitwasyon.